The next Supreme Court Chief Justice is _______________?

Mainit na usapin ngayon sa bansa ang pagpili sa susunod na magiging punong hukom o chief justice ng Kataas-taasang Hukuman o Supreme Court ng bansa. Ito ay matapos na mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corono matapos ang nangyaring botohan sa Senate Impeachment Court 20-3 pabor sa pagpapatalsik sa kanya.

Ayon sa pinakahuling balita, kabilang sa mga nominado sa Judicial and Bar Council bilang hahalili sa nabakanteng pwesto ay kinabibilangan ng kasalukuyang Associate Justices na nasa pwesto sa Korte Suprema at nasa labas na sina Atty. Katrina Legarda, Dating Solicitor General Frank Chavez, BIR Commissioner Kim Henares at maging si DOJ Secretary Leila de Lima at iba pang mga sikat sa larangan ng batas. May mga hindi naman tinanggap ang nominasyon katulad nina dating presidentiable candidate Gilbert Teodoro, IBP President RoanLibarios, dating DOE Sec. Rafael Lotilla at maging si SC Assoc. Justice Bernabe. Isa sa prosesong pagdaraan ng mga nominado ay ang interview ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council. Ayon nga sa huling balita ay gagawing LIVE ang interview na nangangahulugang mapapanood ito ng sambayanan. Pabor ako sa nasabing paraan ng pagtatanong dahil magiging bukas sa publiko ang kakayahan ng bawat aplikante at hindi magkakaroon ng pagdududa sa pagkakahirang sa kanila. Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang pagpili dahil sa unang hakbang ay “shortlist” pa lamang ang pinipili nila at ang pangulo pa rin ang may kapangyarihan na hirangin ang kanyang napupusuang maging punong mahistrado sa shortlist na binigay ng Judicial and Bar Council. Dito nagkakaroon ng agam-agam ang sambayanan. Sa hakbang kasing ito ay nagkakaroon ng impluwensya ang pulitika. Sino ba namang pangulo ang maglalagay sa pwesto sa pagkapunong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman na kalaban niya sa pulitika o komokontra sa kanya. Wala di ba? Sa bandang huli ay hindi ang pagiging kuwalipikado at integridad ang pinagbabasehan kundi ang pagiging malapit sa pangulo ang siyang tunay na nangingibabaw.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang punong mahistrado sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas. Nararapat lamang na ang susunod na punong mahistrado ay dapat na may integridad, walang kinakampihan at may takot sa Diyos upang magampanan niya ang tungkulin bilang isang panghuling taga-husga ng lipunan. Sa ngayon ay nakikita kong sa lumang sistema pa rin nakabatay ang paghirang sa punong mahistrado pero maging bukas sana ang isipan ng mga nasa pamahalaan sa pagbabago upang maging malaya at lubos na iginagalang ang ating Korte Suprema- ang huling sandigan ng demokrasya ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s