House Bill 6052 o Pagbaba sa Edad ng Pagpapanagot sa Krimen, Pabor ka ba?

Isang batas ang ipinasa kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na kung tawagin ay House Bill 6052 sa pangunguna ni Rep. Pedro Romualdo na nagpapababa sa edad ng pananagot sa krimen ng isang tao sa Pilipinas. Sa kasalukuyan kasing batas at sistema ay tanging mga batang edad labinglima pataas lang ang pwedeng ikulong at papanagutin kapag nagkasala at ito ay sa hindi ordinaryong kulungan kundi katulad ng sa Boystown. Ang mga kabataan na may edad na higit na mababa sa labinlima ay agad abswelto sa anumang krimen dahil ipinalalagay ng batas na ang batang nakagawa ng krimen maging ito man ay pagpatay ay inosente dahil wala pa ito sa tamang pag-iisip.

Sa bagong batas ay ibinababa sa labindalawa ang edad ng batang pwedeng ikulong at papanagutin sa krimen. Sa ganitong sitwasyon ay dalawang panig ng opinyon ang nagbabanggaan. Ang ilang kontra sa nasabing batas ay idinadahilan na kalupitan sa mga bata ang bagong batas. May nagsabi pa na dapat ay pangaralan na lamang ang mga bata dahil wala pa sila sa hustong edad. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas ay pumapabor ako sa nasabing batas na nagbababa sa edad ng mga kabataan na dapat managot kapag lumabag sa batas. Napapanahon ito dahil sa kasalukuyan ay ginagamit ng ilan ang pagiging bata upang makaiwas sa pananagutan sa krimen. Halimbawa na lamang dito ay ang paggamit ng mga sindikato sa mga bata bilang taga dala ng mga illegal na droga. Lahat tayo ay nagdaan sa pagkabata at masasabi kong sa edad na labindalawa ay alam ko na (at ng lahat) kung ano ang tama at mali. Hindi dapat idahilan ang kawalan ng hustong gulang upang makagawa ng krimen. Dito nag-uugat ang pagmamalabis sa kasalukuyang umiiral na sistema na kahit makapatay ang isang menor de edad ay abswelto pa rin siya.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kabataan dahil ayon nga sa kasabihan ay sila ang pag-asa ng bayan. Dapat pangalagaan ang kanilang karapatan at gayundin ay ituro sa kanila ang pananagutan. Ang bagong batas ay hindi laban sa mga kabataan kundi pabor pa nga dahil itinuturo nito ang leksyon ma sa bawat karapatan ay may katumbas na pananagutan. Kapag nagkasala ay dapat lang na parusahan.

2 thoughts on “House Bill 6052 o Pagbaba sa Edad ng Pagpapanagot sa Krimen, Pabor ka ba?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s