Ang Mahabang Pila sa Pagkuha ng NBI Clearance

Wala na yatang mas sasaklap pa sa naranasan kong pila nang ako ay kumuha ng NBI Clearance noong huling buwan. Pumila ako mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-sais ng gabi. Kung tutuusin ay mas maswerte pa nga ako dahil kumpara sa iba ay malamang inabot ng mas matagal sa pila. Wala kasing “renewal” na tinatawag sa pagkuha ng bagong NBI Clearance ngayon dahil bago ang sistema ng nasabing ahensya.

Kahit saan ka man magpunta upang kumuha ng NBI Clearance ay malamang na pang box office ang haba niyon. Alam kaya ng mga kinauukulan kung gaano kahirap ang pumila at malipasan ng gutom? O wala silang pakialam sa mga tao dahil hindi naman nila nararanasan ang pumila? Ang nakakainis pa ay nang nakapasok na ako sa mismong “encoding section” ng ahensya. Isa sa nakakapagpabagal ay ang mga bakanteng computer! Sa tantiya ko ay halos kalahati nito ay hindi ginagamit dahil siguro ay breaktime o tapos na ang oras ng trabaho ng ilang empleyado. Ganun! Bakit kaya hindi sila maglaan ng kanilang empleyado upang ganap na mapagserbesyuhan ang publiko at kahit papano ay mabawasan naman ang hirap ng mga tao sa paghihintay sa pila. Isa pa sa nakita kong kamalian sa sistema ng pagkuha ng NBI Clearance ay ang “palakasan system”. Napansin kong kahit hapon na dumating sa pila yung ilan ay pinayagan pa ring kumuha ito ng form dahil kakilala nung isa na taga-NBI. Hindi na nga bago ang ganitong eksena sa pamahalaan. Ang pagpila sa pagkuha ng kung anu-anong papeles ay pangkaraniwan na lang. Saan ka man magpunta sa SSS, NSO, DFA at iba pang ahensya ng pamahalaan ay haharap ka muna sa katakot-takot na pila. Ang pangkaraniwang hirap sa pagpila sa pagkuha ng mga importanteng papeles sa pamahalaan ay hindi masosolusyunan dahil walang pakialam ang mga namumuno sa ating bansa. Dahil sa totoo lang ay hindi nila alam ang hirap pumila dahil sa “espesyal” na pilang nakalaan para sa kanila. Kung tayong Pilipino ay naiinis sa ganitong sistema paano pa kaya ang mga dayuhan. Babalik pa ba sila sa ating bansa kung sa halip na magsaya upang magbakasyon ay papipilahin sila sa paliparan ng pagkatagal-tagal?

Naniniwala akong dapat simulan sa maliit na bagay na ito ang pagbabago sa pamahalaan. Solusyunan ang mahahabang pagpila para lang makakuha ng mga importanteng papeles. Sa mga namumuno ng bawat ahensya, subukan nyo pong pumila ng pagkatagal-tagal. At isipin nyo ang oras na nasasayang ng bawat taong nakapila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s