Gift Cheque, Wala ng Expiration

Tuwing Pasko o may espesyal na okasyon, nakasanayan na ng ilang Pilipino ang magbigay ng gift cheque sa halip na pera. Mas nakakatiyak kasi na gagamitin sa pagbili ng natatanging produkto ang naturang bagay kaysa sa pera. Ngunit isa sa hindi magandang katangian ng gift cheque ay ang pagkakaroon nito ng expiration date o takdang petsa lamang n pwedeng gamitin. Ito ang sinolusyunan ngayon ng Department of Trade and Industry.

Sa bagong panuntunan ng nasabing ahensya ay tinatanggal na nito ang pagkakaroon ng expiration period ng mga gift cheque. Isa itong hakbang na maituturing na pabor para sa mga mamimili. Sa makalumang sistema kasi ay napipilitan ang isang tao na gastusin na agad ang gift cheque dahil sa maaaring lumampas pa ito sa takdang panahon kahit hindi pa naman niya ito lubos na kailangan. Kung minsan tuloy ay nasasayang lang ang mga produkto dahil sa sapilitang pagkonsumo. Sa pagpapatupad na ito ng DTI ay patunay lamang na seryoso ang pamahalaan na mabigyan ng kaginhawahan ang mga Pilipino. Isang bagay lamang ang gusto ko ng kasagutan mula sa DTI. Bakit ngayon lang? Sa pagkatagal-tagal na panahon ay tila ba natutulog sila sa pagbibigay ng serbisyo. Pwede naman pala ang ganitong sistema pero pinatagal pa nila. Ngayon lang ba ito pumasok sa isip nila?

Ang pagtanggal sa expiration ng mga gift cheque ay maituturing na magandang hakbang ng pamahalaan partikular ng DTI ngunit isa rin itong opurtunidad na nagbibigay kaalaman na marami pang pwedeng gawin ang pamahalaan na hindi nito ginagawa sa loob ng mahabang panahon. Sana ay magpatuloy ang ganitong mga hakbangin ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s