National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba?

Muling binubuhay sa kasalukuyan ang panukala tungkol sa National ID System sa Pilipinas. Ilang taon na rin ang lumipas ng una itong ipanukala ng mga mambabatas dahil sa karahasan ngunit marami ang tumutol sa nasabing panukala. Giit nila ay labag sa karapatang pantao ang nabanggit na panukala.

Ang National ID System ay ang pagbibigay sa mga mamaayan ng natatanging ID Card upang gamitin sa kanyang pagkakakilanlan. Ang nasabing ID ay naglalagay ng mga personal na detalye at iba pang impormasyon sa pagkatao ninuman. Dito na pumapasok ang pangamba ng ilan. Ang katwiran nila ay maari raw na magamit ito sa paniniktik ng pamahalaan lalo na sa mga kaaway nito sa puitika. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay kilala sa pamamaraang ito at sa katunayan ay mismong si dating pangulong Arroyo ay naging biktima ng paniniktik. Sa kabilang banda, maganda ang maaaring maidulot ng National ID System. Magkakaroon na kasi ang lahat ng Pilipino ng ID at kinikilala pa ng pamahalaan sa anumang transaksyon. Mapapadali rin ang paglutas sa mga krimen at paghahanap ng mga may sala. Kabilang sa mga bansang may National ID system ay ang Australia. Alin ba ang mas mahalaga ang right to privacy ng bawat mamamayan o national security sa bansa? Naniniwala akong walang masama kung ipapatupad ang National ID System sa Pilipinas. Malaki ang maitutulong nito sa security issue ng Pilipinas.

Ang National ID System ay isang proyektong muling hahati sa opinyon ng mga tao. Pero naniniwala akong ito ay para sa kabutihan ng lahat kung kayat sang-ayon ako dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s