Si Dolphy bilang National Artist

Kilala si Dolphy bilang Comedy King ng Pilipinas. Bata pa ako ay napapanood ko na ang kanyang palabas sa telebisyon na Home Along da Riles at ako ay aliw na aliw sa panonood nito. Hanggang sa ako ay lumaki ay nandiyan pa rin ang Comedy King ng bansa samantalang marami ng artista ang nalaos at biglang naglaho sa showbiz.

Balitang-balita ngayon ang pagkakaratay ni Dolphy dahil sa kanyang sakit na pneumonia at apektado na rin nito ang iba pang body organ gaya ng Kidneys. Napabalitang malala na ang kanyang kondisyon bagamat nitong huling araw ay bahagyang bumuti ang kanyang lagay. Tila dala marahil ng atensyon ng media sa kasalukuyan ay may mga nagpapanukalang igawad sa kanya ang titulong National Artist. Kamakailan lang din ay may iginawad na titulo sa kanya ang Lungsod ng Maynila bilang parangal. Ano nga ba ang ginagawang batayan sa paghirang bilang isang National Artist ng bansa? Marami na ang idineklarang National Artist ang Pilipinas sa ibat-ibang larangan gaya ng pagpipinta, musika, sayaw at iba pa. Ang iba sa kanila ay hindi halos kilala ng mga Pilipino samatalang kontrobersyal naman ang pagkakadeklara sa ibang National Artist noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa pagtutol ng ilang sektor. Maraming benepisyo ang maaring tanggapin ng isang National Artist pero naniniwala akong mas higit sa lahat ay ang opisyal na pagkilala. Si Dolphy ay karapat-dapat na hirangin bilang isang National Artist. Sa totoo lang kahit hindi pa man siya idinideklara ay nasa puso na ng mga Pilipino ang isang “Dolphy”. Wala na sigurong mas hihigit pa sa naiaambag ni Dolphy sa industriyang pelikula ng Pilipinas sa larangan ng pagpapatawa o comedy. Sa dami ng kanyang pelikulang nagawa ay hindi na siya mawawaglit pa sa puso at isipan ng bawat Pilipino.

Ang National Artist ay ang pinakamataas na parangal ng Pilipinas para sa mga taong malaki ang naiaambag sa larangan ng Sining. Bakit pa patatagalin ang paggawad nito sa mga taong karapat-dapat bigyan ng parangal? Ano ba talaga ang pamantayan sa pagbibigay ng parangal na ito? Marami ang karapat-dapat bigyan ng pagkilalang ito gaya ni Dolphy at sana’y huwag ng patagalin pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s