Olympic Gold- Pilipinas may Pag-asa Ba?

Ilang edisyon na rin ng Olympic ang sinalihan ng Pilipinas pero tila ba ay mailap talaga ang gintong medalya para sa bansa. Sa katunayan nga ay nitong nagdaang Olympic ay wala ni isang medalya ang naiuwi ng bansa. Mula pa noong 1996 nang huling makasungkit ng medalya ang mga manlalaro ng Pilipinas sa pamamagitan ni Onyok Velasco sa larangan ng boksing.

Nitong taon nga ay muling sasali ang bansang Pilipinas sa pinakasikat na palaro sa buong mundo ang London Olympic 2012. Ngunit alam nyo ba na labing-isa lang ang lalahok na manlalarong pinoy sa London Olympic 2012- ang pinakamaliit na bilang simula ng sumali ang Pilipinas sa Olympic. Ang dahilan ng pagkaunti ng mga atletang Pinoy na ito sa Olympic ay dahil sa hindi pagkakalusot sa kwalipikasyon ng ibat-ibang isport. Sa pagbabang ito ng ating mga atleta sa Olympic ay malamang mas lumiit ang tsansa ng bansa na makasungkit ng mailap na gintong medalya sa Olympic. Hindi naman siguro masasabing mahina ang mga Pilipino pagdating sa larangan ng isport. Marahil ay may problema sa pamamahala. Isang magandang halimbawa nito ay ang larangan ng basketball. Alam natin na maraming magagaling na Pilipino pagdating sa larong ito pero sa mga nagdaang kampanya ng Pilipinas ay hirap na hirap itong talunin ang ibang bansa sa Asya. Taong 1986 pa nang huling magkampiyon ang Pilipinas sa rehiyong Asya sa larangan ng basketball. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang pagiging sakim ng ibang team sa PBA. Natatakot silang ipahiram ang kanilang manlalaro dahil sa baka maaksidente ito. Maapektuhan din nito ang kampanya ng kanilang koponan sa liga. Pati ba naman sa isport ay may bahid pa rin ng pulitika? Bakit kaya hindi magkaisa ang mga Pilipino kahit sa larangang ito?

Hanggat walang suporta at programa para sa mga manlalarong Pinoy ay mananatiling bokya ang Pilipinas sa gintong medalya sa Olympic. Ilan sa karatig-bansa natin ay nagkamit na ng gintong medalya samantalang ang Pilipinas ay tila mas bumababa pa ang tsansa. Hindi na ako magtataka kung muli ay may maghahamon na magbibigay ng isang milyon para sa sinumang makakapag-uwi ng nasabing karangalan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s