Ang Patuloy na Pagtaas ng Kuryente sa Pilipinas

Ayon sa balita kamakailan lang ay tataas na naman diumano ang halaga ng kuryente dulot ng mataas na “generation charge” na tinatawag. Wala namang bago sa balitang ito dahil sa katunayan ay palagiang nagtataas ng singil sa kuryente ang Meralco sa ibat-ibang kadahilanan. Kapansin-pansin ang ginagawang estratehiya ng Meralco na tuwing magbababa diumano sila ng singil ay ilang buwan lang ang lilipas ay halos mahigit triple ang kanilang itataas.

Ang kuryente ay isang pangunahing pangangailangan ng pamamahay at industriya. Kung walang kuryente ay ibayong hirap ang daranasin ng bawat mamamayan. Isipin na lamang ang sobrang init ng panahon at walang bentilador. Hindi rin tatakbo ang mga makina sa mga pabrika at maaring malugi ang mga negosyo. Magiging madilim din ang mga kalsada na maaaring samantalahin ng masasamang loob upang isagawa ang maitim na balak. Ang industriya ng kuryente sa Pilipinas ay isang malaking monopolyo at hanggat may monopolyo ay mananatili ang palagiang pagtaas nito. Isa itong malaking suliranin dahil kapag mataas ang halaga ng kuryente sa isang bansa ay nagiging salik din ito upang tumaas din ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin.

Kapag nagbalita ang Meralco ng pagbaba sa halaga ng singil sa kuryente ay hindi dapat na magsaya ang mga Pilipino bagkus mas dapat pa ngang kabahan at malungkot ang publiko dahil malamang ay nakaamba ang pagtaas nito sa susunod na buwan ng halos triple.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s