Agosto: Ang Buwan ng Wika

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ng bansa ang Buwan ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas at hindi ang Tagalog o Pilipino. Bagamat madalas na gamitin ang tatlo bilang kahalintulad ng isa ay malaki talaga ang pagkakaiba ng bawat isa.

Ang Tagalog ay maaaring tumutukoy sa dayalekto ng mga taong naninirahan sa Metro Manila at karatig lalawigan nito o pwede ring ang mga tao mismo. Ang salitang Pilipino naman ay ang lokal na katawagan sa mga tao sa Pilipinas o ng pambansang wika nito. Ang Filipino ay ang opisyal na katawagan sa pambansang wika ng Pilipinas.

Mahalaga ang pambansang wika sa isang bansa partikular ang Pilipinas. Sa pamamagitan nito ay napagbubuklod at nagkakaunawaan ang mga Pilipino. Ang Wikang Filipino ay sinasabing kaluluwa ng ating bansa. Mahaba ang kasaysayan sa pagkakahirang ng Filipino bilang pambansang wika. Ngunit base rito ay ang madaling pagkatoto sa nasabing wika ang ginamit na batayan at hindi ang dami ng bilang ng gumagamit nito ang siyang naging dahilan.

Ngayong taon nga ay ipinagdiriwang ng bansa ang Buwan ng Wika at tulad ng dati ay samut-saring gawain ang inaasahang papangunahan ng ating pamahalaan.

3 thoughts on “Agosto: Ang Buwan ng Wika”

  1. Ang “Filipino” ay tumutukoy hindi lamang sa “wika,” bagkus sumasaklaw din sa tao at lahat ng konseptong kaugnay nito.

    At maaaring simulan din ang paggamit ng Filipinas (na “F” at hindi “Pilipinas”) upang maging konsistent ang ispeling, alinsunod sa makabagong ortograpiyang Filipino.

    Ang Tagalog ay hindi “dayalekto [sic, diyalekto]” bagkus isang wika. Nagkakaiba lamang ang Tagalog, alinsunod sa lalawigan, gaya ng Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulakan, Tagalog-Batangas, at Tagalog-Laguna.

  2. Malaki talaga ang problema ng wikang Pilipino. Pabago-bago at laging papalit-palit. Halimbawa na lamang ay ang salitang “dyip” na binago rin at tintanggap na raw ang “jep” ng huli akong pumasok sa kolehiyo. Ewan ko lang ngayon kung ganito pa rin ang sistema, Kung ano na lang ang maisipan ng mga nasa posisyon ay ipinagpipilitan na ipatupad ang nangyayari tuloy ay iba na ang natutunan sa kasalukuyan kumpara sa nakaraaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s