Pagtanggal sa “Height Requirement” sa mga nais mag-Pulis, Sang-ayon ka ba?

Inaprubahan na ng Senado ang SB 3217 na nagtatanggal sa height requirement bilang pangunahing kwalipikasyon upang tanggapin ang isang aplikante sa pagiging miyembro ng pulis at bumbero. Sa kasalukuyang panuntunan kasi sang-ayon sa RA 6975 o Department of Interior and Local Government Act of 1990 na sinusugan ng RA 8551 ay ipinapatupad ang 1.62 metrong taas para sa mga lalaki at 1.57 metrong taas naman para sa mga babae.

Malaking tulong ang nasabing batas sa pagkakaroon ng pantay na pagkakataon para sa mga Pilipino. Karamihan kasi sa mga Pilipino ay kapus pagdating sa taas kung kayat nagiging balakid ito upang matupad ang kanilang mga pangarap na manungkulan sa nasabing propesyon. Batid naman ng karamihan na likas sa mga Pilipino ang mabababa at hindi nila ito ginusto. Kapuri-puri ang pag-aprubang ito ng Senado sa nasabing batas. Sana ay hindi lang ito ipatupad sa aplikante ng pagpupulis at bumbero kung hindi pati na rin sa ibang propesyon. Sa kasalukuyan kasi ay ito ang pangunahing requirement lalo na sa mga pribadong kumpanya at maituturing ito na isang uri ng diskriminasyon. Sang-ayon nga sa Saligang Batas ay pantay-pantay ang mga Pilipino anuman ang kanilang katayuan sa buhay.

Sa pagsasabatas ng RA 3217 ay binibigyan nito ng pag-asa ang mga kapus pagdating sa pisikal na aspeto upang manungkulan bilang pulis at bumbero. Hindi naman malaking isyu ang taas ng isang tao upang maging karapat-dapat siya sa kanyang pwesto. Sa katunayan sa bansang Singapore ay maliliit din ang kanilang pulis pero nakakapaglingkod naman ng tapat at maayos.

1 thought on “Pagtanggal sa “Height Requirement” sa mga nais mag-Pulis, Sang-ayon ka ba?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s