National Heroes Day

Taun-taon ay ipinagdiriwang ng bansa ang National Heroes Day. Ito ay isang Legal Holiday na tinatawag. Ano nga ba ang bago tuwing ipinagdiriwang ang nabanggit na araw? Tulad ng inaasahan ay pinangunahan ng pangulo ang nabanggit na pagdiriwang. Nagkaroon ng mga seremonya at papuri sa lahat ng diumano ay mga bayani ng lahi. Mahalaga ang pagdiriwang ng National Heroes Day dahil sa araw na ito lang naaalala ang kanilang kabayanihan. Sa Libingan ng mga Bayani ay naging tradisyon na ang pag-aalay ng mga bulaklak at doon din isinasagawa ang mga seremonya. Ngunit kumusta naman kaya ang mga naulila ng mga kinikilalang bayani ng bansa? Ayon nga sa isang beterano na nag-alay ng serbisyo ay tila ba pinababayaan na sila ng pamahalaan dahil sa kakarampot na benepisyo na kanilang nakukuha. Ito ay hindi sumasapat sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Huwag naman sanang kalimutan ng pamahalaan ang obligasyon nito sa mga bayaning nagbuwis at nag-alay ng kanilang buhay. Tungkulin ng pamahalaan ang ibigay sa mga kamag-anakan nito at mahal sa buhay ang nararapat na pagkalinga. Ang mga seremonya at talumpati ay walang kwenta kung ang mga bayani ay hindi naman matahimik dahil sa ang kanilang mga mahal sa buhay ay naghihikahos sa mga pangunahing pangangailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s