Plagiarism, Pangongopya at Pagkalimot

Tila ay nauuso na ang Plagiarism sa Pilipinas, hindi sa mga estudyante kundi sa mga may katungkulan at kilalang tao sa lipunan. Ang Plagiarism sa isang payak na pang-unawa ay ang pangongopya ng gawa partikular na sa literatura at hindi pagbanggit sa orihinal na may-akda. Para sa mga mag-aaral bagsak na grado ang kaparusahan sa paglabag na ito ngunit sa mga matataas na tao ay tila “OK” lang ang ganitong gawain.

Kabilang na sa mg naakusahan ng Plagiarism ay sina Assoc. Justice Mariano del Castillo nang magsulat ito ng desisyon patungkol sa mga comfort women noong panahon ng Hapones. Naging malaking isyu ang nasabing kaso pero walang naging “disciplinary action” ang Kataas-taasang Hukuman ng bansa at sa katunayan ay ipinagtanggol pa nila ito. Maging si Manny Pangilinan ay lumabag din sa Plagiarism ng magbigay ng talumpati sa Graduation ceremony ng Ateneo de Manila University. Ang pinakahuling na-isyu sa Plagiarism ay si Sen. Tito Sotto nang magbigay siya ng talumpati na tumututol sa pagpasa ng Reproductive Health Bill. Naging laman ng mga balita ang akusasyong ito ngunit pinabulaanan naman ito ng senador. Sa kaso ng mga estudyante ay isang malaking kamalian ang gawaing ito pero sa mga matataas na tao sa lipunan ay tila ba “wala lang”. Isang palatandaan ng pagiging tamad at walang kakayahan ang Plagiarism. Kaya nagagawa ito ng mga mag-aaral ay sa kadahilanang hindi nila kayang gumawa ng sarili nilang akda. Ganito rin kaya ang mga sikat na taong nabanggit? Ibig sabihin ba nito ay wala rin silang kakayahan at tamad?

Marahil ay hindi naman siguro masasabing tamad o walang kakayahang ang mga taong sinasabi. Masyado lang sigurong marami ang kanilang inaasikaso at trabaho kung kayat sa tauhan na nila ipinapagawa ang kanilang talumpati at nirerebisa na lang nila. Ang ibig sabihin lamang nito ay walang alam at kakayahan ang kanilang mga tauhan. Maraming paraan para malaman kung “Plagiarized” ang isang artikulo. Nandiyan naman si Google, wag tatamad-tamad upang makaiwas sa mga isyu.

2 thoughts on “Plagiarism, Pangongopya at Pagkalimot”

  1. sang-ayon ako sa iyo kaibigan. mas mainam na ang humingi ng paumanhin kung talagang nagkamali at bigyan ng kredito (at omento) ang pinagkuhanan kesa awayin pa ito. pero kabaliktaran yata ang nangyayari.

  2. tama ngunit dapat talaga ay umiwas plagiarism dahil pribadong pag-aari naman nila yun di ba? huwag kumopya ng di sa iyo. maari naman tayo gumawa ng sariling atin hindi ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s