House Bill 6335 o Anti-Nakaw Bill

Madalas ka bang “manakawan” ng cellphone load o bigla na lang nag-zero credit kahit di mo naman ginamit? Marahil ay marami sa makakabasa nito ay minsan ng nakaranas ng di-maipaliwanag na pagkaubos ng prepaid cellphone load dahil sa suwapang na telecom companies ng ating bansa. At sa bandang huli ay buntung-hininga na lang ang nagawa dahil sa palpak na customer service ng mga ito na di-matawagan.

Kamakailan lang ay napabalita ang panukalang batas na kung tawagin ng mga magnanakaw na miyembro ng House of Representatives ay House Bill 6335 o Anti-Nakaw Load. Sang-ayon sa nasabing panukala ay ang pagbibigay ng mga Telecom Company ng araw-araw na Billing Statement na kung saan ay nakasaad ang bilang ng ginawang pagtawag, pagtext, at iba pang impormasyon na naayon sa kanilang serbisyo. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na siyang may panukala sa nabanggit na batas, sa pamamagitan diumano nito ay mapoprotektahan tayo laban sa hindi-makatarungan at mapanlinlang na pagkaubos ng ating cellphone load. Kung matino lang sana ang mga kumpanyang Globe at Smart ay hindi na sana kailangan pa ang nasabing batas na pagkakagastusan ng pera ng bayan. Palibhasa ay halos monoplyo ng dalawang kumpanya ang nasabing industriya kung kayat walang magawa ang taong bayan kundi magtiis sa palpak nitong serbisyo.

Ang House Bill 6335 ay sang-ayon din sa Republic Act 7925 o Public Telecommunications Policy Act of the Philippines. Nararapat lang na ipasa ang nasabing batas dahil sa wala tayong kalaban-laban pagdating sa usapang “nakaw load” ng dalawang Telecom Company ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s