Cybercrime Prevention Act of 2012

Isa na namang batas ang gumawa ng ingay sa ating bansa. Ito ang kontrobersyal na kapapasa lang na Cybercrime Prevention Act of 2012 o Anti Cybercrime Bill o Republic Act 10175. Ayon sa mga eksperto sa batas ay may mga probisyon na nakalagay doon na masyadong mapanganib sa karapatan ng mamamayan. Halimbawa na lamang ay ang sitwasyon na kung saan kapag may nagpost sa Facebook ng isang mapanirang mensahe ay damay sa demanda pati na ang mga “naglike”. Maari na ring magsagawa ng real-time online data gathering ang mga ahensya ng pamahalaan katulad ng NBI kahit walang utos ng korte at kung anu-ano pang seksyon ang binabaggit ng mga kritiko ng nasabing batas.

Hindi maitatatwa na sa pag-unlad ng teknolohiya tulad ng internet ay may mga masasamang loob ang ginagamit ito upang makalamang sa kanilang kapwa. Sa ganitong sitwasyon ay marapat lamang na ang Pilipinas ay magkaroon ng nasabing batas. Ang nakakalungkot lang dito ay ang tila isang batas na maaaring magbigay ng proteksyon sa mga Pilipino ay maari pang magamit upang atakehin sila. Milyun-milyong pera ang ginagastos sa paggawa ng batas pero mistulang wala sa ayos ang pagkakagawa. Walang pinagkaiba sa mga proyektong gusali na madaling masira. Hindi pinag-isipan ang pagkakagawa ng nasabing batas at mistulang “bara-bara”.

Ang nakakapagtaka naman sa mga tumutuligsa ay kung bakit ngayon lang sila nag-ingay? Hindi bat dapat noon pa man habang ginagawa pa lang ay tinutulan na nila ang mga probisyong labag sa konstitusyon? Sa pagkakaunawa ko ay dapat na “transparent” ang paggawa sa batas. Ngunit bakit may mga senador ang nagsisingit ng mga probisyong pabor sa kanila? Noon pa man ay tinututulan na ng mga Pilipuno ang kawalan ng kalayaan sa pamamahayag ngunit sa pagkakapasa ng Anti-Cybercrime Bill ay tila bumabalik ang bansa sa panahong diktadurya at pagsupil sa kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag. Hindi na ako nagtataka sa sitwasyong ito. Dahil sa totoo lang ay hinigitan na ng mga kasalukuyang pulitiko ang “kasakiman” sa kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Kung tuligsain nila ang dating pangulo ay “ayaw na raw bumaba sa pwesto”- mga pulitiko tumingin kayo sa salamin. Wala raw kalayaan sa pamamahayag noong panahon ni dating pangulong Marcos- eh ano ang tawag nyo sa paglagda ni Pangulong Aquino sa Anti Cybercrime Bill? Sabi nga ng ilan ay matatawag itong Cyber Martial Law na itinanggi naman ng pamahalaan.

Pinapatunayan lamang nito na halos lahat ng pulitiko sa ating bansa ay pare-pareho lang. May kanya-kanyang interes na pinuprotektahan. Ang Freedom of Information Bill na halos dekada na ay hindi pa rin naisasabatas kumpara sa Anti-Cybercrime Bill na kunting panahon lang ang ginugol. Dahil sa ang isang batas ay laban sa kanila samantalang pabor naman ang isa.

Ang Supreme Court na lang ang pag-asa ng mga Pilipino upang mapawalang bisa ang mga probisyong labag sa Saligang Batas. Dito natin malalaman kung ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng mga hukom at mga puliko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s