Eleksyon 2013: Mga Kandidato sa Pagkasenador- sila pa rin po.

Panahon na naman ng eleksyon at sa katunayan ay inilabas na ng Comelec ang unang batch ng listahan ng mga kandidato sa pagka-senador. Minsan pang pinatunayan nito na sa pulitika ay walang permanenteng kakampi o kaaway. Sa katunayan ay tumatakbo sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon ang asawa ng mahigpit na katunggali ni Pangulong Aquino na si Manny Villar. Noong nakaraang eleksyong pampanguluhan kasi ay naging mainit ang batuhan ng putik ng magkalabang kampo. Maging si Sen. Allan Peter Cayetano na kritiko ni Pangulong Aquino noong tumatakbo pa lang ito sa pampanguluhan ay kasali rin sa tiket nito.

Kabilang sa tumatakbong senador sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon ni Pangulong Aquino at iba pang partido ay sina Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, mga dating senador na sina Ramon “Jun” B. Magsaysay Jr., Jamby Madrigal, Sonny Angara, Cynthia Villar, Antonio Trillanes IV, Allan Peter Cayetano, Loren Legarda, Rissa Hontiveros-Baraquel, Koko Pimentel, Grace Poe Llamansares, at Chiz Escudero. Ang koalisyon ay binubo ng Liberal Party, NPC, NP, LDP, Akbayan at National Unity Party (NUP).

Sa kabilang kampo naman na United Nationalist Alliance sa pangunguna ni Vice President Jejomar Binay na masasabing hindi naman talaga oposisyon ay kinabibilangan nina Nancy Binay, Sen. Gringo Honasan, Ernesto Maceda, Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri, San Juan City Rep. JV Ejercito, Cagayan Rep. Jack Enrile, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, dating Tarlac governor Margarita
Cojuangco at maging sina Loren Legarda, Grace Poe-Llamansares, at Chiz Escudero na guest candidate din sa kabila. Bukod sa dalawang alyansa na mahigpit na magkaribal ay mayroon pang mga hindi kilalang personalidad ang nagpahayag rin ng intensyong maging senador.

Isang malaking circus na naman ang magaganap sa susunod na eleksyon. Wala pa ring pinagkaiba sa mga nagdaang eleksyon. Kung titingnan ang mga pangalan na nasa listahan ay halos walang pinagkaiba sa mga pangalan noon.

Hindi pa rin natototo ang mga Pilipino sa kabila ng kahirapang kanilang nararanasan. Sa katunayan ayon sa mga survey ay nangunguna pa rin sa listahan ng posibleng manalo ang mga sikat na apelyido.

Hanggat ignorante ang mga Pilipino ay walang mangyayari sa Pilipinas. Maghahari pa rin ang mga tiwaling pulitiko. Ayon nga sa isang komentong nabasa ko “Our ignorance is the strenght of crooked politicans”.

1 thought on “Eleksyon 2013: Mga Kandidato sa Pagkasenador- sila pa rin po.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s