Ang Pag-diskwalipika sa mga Party List

Marami-raming party list group ang diniskwalipika ng Comelec para sa susunod na eleksyon sa taong 2013. Kabilang sa mga diskwalipikado ay ang Ako Bikol na siyang nanguna noong nakaraang halalan. Sa katunayan ay milyong boto ang nakuha ng nasabing grupo at may pinakamaraming nakaupo sa House of Representatives.

Ang ipinagtataka ng nasabing grupo at iba pang nadiskwalipika ay kung bakit biglang nagbago ang desisyon ng Comelec. Kahit noong nakaraang eleksyon kasi ay meron nang inihaing reklamo laban sa naturang grupo ngunit hindi ito nagtagumpay at sa halip ay pinayagan ng Comelec na lumahok. Maraming katanungan tuloy ang nabubuhay kung bakit ganun na lamang kasigasig ang Comelec sa pagdiskwalipika sa mga partylist group samantalang ang Akbayan na kilalang kakampi ng pamahalaan ay hindi diniskwalipika. Ano nga ba ang layunin ng partylist system? Sa isang payak na pang-unawa ay layunin ng sistemang ito na bigyan ng boses ang mga marginalized sector ng bansa na kinabibilangan ng mg kababaihan, mahihirap, magsasaka, mangingisda atbp. sang-ayon sa batas na umiiral. Marami ang mga partylist na lumalahok tuwing eleksyon at hindi lahat ng ito ay kumakatawan sa mga marginalized sector na tinatawag. Nararapat lamang na tanggalin ito ng Comelec dahil ginagamit ito ng mga makapangyarihan bilang daan upang magkaroon ng pwesto sa pamahalaan. Ang hindi ko lang gusto ay kung bakit tila nagiging selective yata ang Comelec sa pagdiskwalipika? Malimit batikusin dati ng ilan ang pagkakatalaga kay Mikey bilang kinatawan ng mga security guard dahil sa hindi nga naman ito security guard. Kung tutuusin ay hindi na dapat payagan ang Akbayan na sumama sa halalan dahil karamihan sa mga dating kumakatawan nito ay may pwesto na sa pamahalaan. At anong marginalized sector naman ang kinakatawan nito? Kung ang Ako Bikol ay disqualified bakit pinapayagan ang Amin o Anak-Mindan? An Waray? at iba pang regional partylist? Dahil ba sa kakampi sila ng Pangulong Aquino? Bakit ang Citizen’s Battle Against Corruption ay hindi diskwalipikado samantalang front lang ito ng JIL at wala namang nire-representa. Bakit ang mga Comelec Commissioners na dati ay naniniwalang kasama sa partylist election ang mga diniskwalipika ay bigla yatang nagbago ng isip?

Ang akala ko ay matuwid na tao ang mga nasa posisyon ngayon, hindi pala. Wala pala silang pingkaiba sa mga dating nasa posisyon. Kapag kakampi sa pulitika ay “likes” nila pero kapag kasalungat ay hindi. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s