Mga Bus Terminal sa EDSA balak aalisin bago mag-2016

Inihayag ni DOTC Secretary Abaya na balak nilang alisin ang mga terminal ng bus sa tabi ng EDSA na isa sa nagiging dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na kalsada bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino sa 2016.

Ayon sa kalihim ay tatlong lugar ang binabalak nilang tayuan ng terminal at inaasahan nilang pagmumulan ng kita ang nasabing establisemento. Sa unang bahagi ng taon nila inaasahang ibi-bid ang nasabing proyeto.

Ang EDSA ang isa sa pinakamatrapik na kalsada sa Pilipinas na nagdurugtong sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, San Juan, Quezon City at Caloocan City.

Ayon sa pag-aaral, ang EDSA ay may kapasidad lamang na maokupahan ng 1,500 hanggang 1,700 na bus ngunit diumano ay aabot sa 3,732 bilang ng bus ang kasalukuyang may permit para bumiyahe sa nabanggit na kalsada at di pa kasama rito ang mga kolorum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s