Partylist Group dumulog sa Korte Suprema

Isa na namang partylist group ang dumulog sa Korte Suprema upang hilingin na ipawalang bisa ang pagdiskwalipika sa kanila ng Comelec ng sa gayon ay makasali sila sa Eleksyon 2013.

Ang APEC o Association of Power Electric Cooperative ay kabilang sa mga diniskwalipika ng Comelec dahil sang-ayon diumano sa batas ay hindi ito kabilang sa tinatawag na marginalized sector. Ang Batas Pambansa o Republic Act 7941 ay naglalayong bigyan ng boses ang mga taong nabibilang sa marginalized sector na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, mahihirap, matatanda, kabataan,kababaihan, beterano, OFW, mga propesyonal at iba pa.

Ang APEC ay labing-apat na taon na at may limang termino na sa kongreso.

Ang iba pang partylist na diniskwalipika ay kinabibilangan ng Ako Bicol, na siyang nanguna noong nakaraang eleksyon matapos makakuha ng halos isa’t kalahating milyong boto. Kabilang din ang mga sumusunod sa nadiskwalipika: Bantay, AGRI,AKMA-PTM, AKO AGILA, AKO
BAHAY, PACYAW, PM MASDA, COFA, ARARO, KATUTUBO, OPO at Ang Galing Partylist ni Mikey Arroyo.

Samantalang ang RAM GUARDIANS, Alyansa para sa Demokrasya, at Association of Airline and Airport Workers ay hindi naaprubahan ang akreditasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s