Pinatay na UST Cum Laude Cyrish Magalang, inilibing na

Inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Las Pinas City Golden Haven Memorial Park ngayong hapon (Nobyembre 6, 2012) ang napatay na Cum Laude graduate ng University of Santo Tomas na si Cyrish Magalang.

Matatandaang si Magalang, edad 20, ay naiulat na nawawala bago natagpuan ang kanyang katawan na puno ng saksak sa isang abandonadong lugar sa Brgy. Gawaran, Bacoor, Cavite nitong Nobyembre 1, 2012.

Bandang alas-dos ng hapon ng umalis sa Bacoor ang convoy at dumating naman sa pinaglibingan bandang alas tres ng hapon. Nakipaglibing naman at dumalo sa misa na emosyonal ang mga kamag-anak at kaibigan ng pinatay na Cum Laude ng UST.

Kasalukuyan namang nakadetine ang dalawang akusado sa nasabing pagpatay ang magkapatid na Rollin at Roel Gacita Jr edad 27 at 25 ayon sa pagkakasunod. Ang dalawa ang itinurong responsable sa nasabing karumal-dumal na pagpatay at ayon sa ulat ay diumano umamin sa krimen ang nakakatandang suspek samantalang itinatanggi naman ng mas nakakabatang Gacita na sangkot siya sa nasabing pagpatay.

Dahil sa krimen na ito ay agad namang nanawagan ang mga miyembro ng Anti-crime groups sa Malakanyang na muling ibalik ang parusang kamatayan ngunit agad naman itong kinontra ng Simbahang Katoliko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s