May Dapat bang itago ang Simbahan?

Kamakailan ay napabalita ang pagsentensya ng pagkakakulong sa dating katiwala ng Santo Papa sa Roma dahil diumano sa pagli-leak ng mga “confidential” na dokumento sa midya na kung tawagin ng ilan ay “Vatileaks” hango sa Wikileak na naglalabas ng mga confidential documents ng Estados Unidos at ng iba pang bansa. Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga tinatawag na “confidential” document ang simbahan at tila ba ayaw nilang mailantad ito. Meron nga ba silang itinatagong “baho”?

Ayon sa mga artikulo na nakalathala sa internet, ang mga dokumento diumano na balak isiwalat ng dating katiwala ng Santo Papa na si Paolo Gabriele ay naglalaman ng korapsyon sa loob ng simbahan na kinasasangkutan ng mga matataas na Cardinal. Bakit naman hahatulan at ikukulong ang nasabing tao kung iyon lamang ang kanyang intensyon samantalang ang mga paring pedophile ay hindi nila parusahan?

Malaking pera ang hawak ng simbahan at hindi malayong matukso ang mga nasa pamunuan nito na waldasin ang pera ng nasasakupan nito. Sabi nga sa bibliya ay “Money is the root of all evil”. Kapansin-pansin naman kasi ang maluhong pamumuhay ng mga nasa simbahan o namumuno sa mga relihiyon. Kung si St. Francis of Assisi ay mas pinili ang mamuhay ng normal sa halip na sa karangyaan ay tila kabaliktaran naman ang ipinapakita ng mga nasa simbahan. Sa Pilipinas ay nagpaparangyaan ang mga simbahan at tirahan ng mga pari samantalang may mga batang lansangan na walang matirhan. Isa sa hindi kanais-nais na ipinapakita ng mga pari ay noong panahon ni GMA na kung saan ay humiling pa ang kanilang miyembro ng sasakyan sa pagcor bilang regalo.

Hindi man malantad sa publiko at miyembro ng Katoliko ang bahong itinatago ng pamunuan ng simbahan ay dapat nilang isipin na may Diyos na laging nakamasid sa kanilang ginagawa-iyon ang madalas na ituro ng taong simbahan. Hindi na ako nagtataka kung bakit umusbong ang relihiyong Protestante. Marahil ay may mga “milagro” ngang nangyayari sa loob ng Simbahang Katolika, taliwas sa kanilang itinuturo, taliwas sa utos ng Diyos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s