Parusang Kamatayan: Pagpugot sa Saudi, Ipinagpaliban

Ipinagpaliban muna ang nakatakdang pagpugot sa ulo ng OFW na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia. Ang nasabing OFW ay nakatakda sanang pugutan ng ulo ngayong Nobyembre 14 dahil sa kasong pagpatay sa isang Sudanese noong 2009.

Ayo sa ulat ng isang internet website, pinagbigyan ng kapamilya ng Sudanese si Zapanta na makalikom ng 44 milyong piso sa loob ng apat na buwan bilang blood money kapalit ng kanyang buhay at kalayaan. Ang Saudi Arabia ay kabilang sa natatanging bansa sa mundo na isinasagawa ang pagpugot sa ulo gamit ang matalas na espada bilang parusang kamatayan. Isa rin ang nasabing bansa sa may pinakamaraming OFW ang nagtatrabaho ayon sa DFA.

Masyadong malaki ang pera na kailangang likumin ng pamilya ni Zapana. Nararapat lamang na tulungan ng pamahalaan ang katulad niya na makalikom ng ganung kalaking halaga. Ang mga OFW ay isa sa mga dahilan kung ang bansang Pilipinas ay nananatiling matatag sa kabila ng mga problemang dulot ng ekonomiya ng mundo. Nasaan na ang budget para sa mga OFW? Madalas sabihin ng pamahalaan na mga “bagong bayani” ang mga OFW dahil sa kontribusyon na kanilang naiaambag sa bayan ngunit sa panahon ng pangangailangan ay tila bingi ang pamahalaan. Tuwing eleksyon ay milyung-milyong pera ang winawaldas ng ilang pulitiko. Kung magiging bukas lang sana ang isipan ng mga pinuno ng bansa ay mas marami pa ang katulad ni Zapanta ang maaaring mailigtas sa parusang kamatayan.

Mabilis ang takbo ng oras kayat ngayon pa lang ay dapat ng simulan ang paglikom ng pera para sa nasabing nangangailangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s