Ang Bagong Pinuno ng Bansang China

Muling nailuklok sa kanyang ikalawang termino bilang pangulo ng bansang Amerika si Barack Obama matapos na talunin ang katunggaling si Republican Mitt Romney. Ngayon naman ay ang bansang China naman ang siyang nagkaroon ng pagpapalit sa pamunuan nito. Kung sa bansang Demokratiko tulad ng Amerika ay may eleksyon, sa bansang China ay naiiba ang kanilang pamamaraan ng pagpili ng bagong pinuno.

Si Xi Jinping ang naihalal na bagong lider ng Chinese Communist Party na bukod tanging partido sa komunistang bansa. Kabilang siya sa tinatawang na Politburo Standing Committee na siyang pinakamakapangyarihan sa nabanggit na partido.

Ang China ang pangalawang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo kasunod ng Amerika. Sa larangan ng ekonomiya ay nalampasan na nito ang Japan samantalang huling-huli naman ang kapasidad nito sa militar kung ihahambing sa Estados Unidos.

Malaking epekto sa Pilipinas at maging sa mundo ang magiging patakaran ng China. Matatandaang ang Pilipinas at China ay kasalukuyang pinag-aagawan ang maliliit na sa Soutu China Sea o West Philippine Sea kabilang na ang Scarborough Shoal at Spratly Islands. Maging ang bansang Vietnam ay kaagaw rin ng China sa iba pang isla. Bukod sa mga bansa sa Southeast Asia, kasangkot din ang China sa iba pang “territorial row”. Ang pinakahuling isyu tungkol sa agawan sa teritoryo ay sa pagitan ng China at bansang Hapon. May hidwaan din ang China at ang India na kalapit bansa lang nito. Malaking hamon sa bagong pamunuan ng China partikular na kay Xi Jinping ang mga suliraning kinahaharap ng nabanggit na bansa. Nasa kanyang mga kamay ang kapalaran ng bilyong mamamayan nito at ng mga karatig bansa nito.

Umasa na lamang tayo na sa huli ay mas mangibabaw ang makataong polisiya ng China. Bilang isang makapangyarihang bansa sa larangan ng ekonomiya at militar ay dapat lang na ipakita nito na katulad ng bansang Amerika ay maari rin silang maging isang huwarang bansa kahit na iba ang sistema ng kanilang pamamahala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s