Marvic Leonen, Itinalagang Bagong miyembro ng Korte Suprema

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Government Peace Panel Chief Negotiator Mario Victor “Marvic” Leonen. Siya na ang pang-apat na appointee ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas kabilang na si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Assoc. Justice Estela Perlas-Bernabe, at Assoc. Justice Bienvenido Reyes.

Si Marvic Leonen ay kilalang kaalyado ng Pangulong Aquino at kasalukuyang miyembro ng Government Peace Panel na nakikipagnegosasyon sa Moro Islamic Liberation Front para sa kapayapaan sa Mindanao.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Law sa University of the Philippines at Master of Laws sa Columbia University. Nagsilbi rin siya bilang  Dean ng UP College of Law.

Sa edad na 49, sinasabing siya na ang isa sa pinakabatang na-appoint sa Kataas-taasang Hukuman mula pa noong 1938.

Bakit nga ba si Marvic Leonen ang napili ni Pangulong Arroyo?

Alam naman ng lahat na sa Pilipinas ay palakasan system ang umiiral. Kung sa maliliit na bagay nga lang sa lipunan ay umiiral ang ganitong kalakaran ay bakit naman hindi sa mga matataas. Isang malaking kalokohan ang sinasabing para sa reporma sa Hudikatura ang nais ng Pangulong Aquino. Di-hamak na mas marami ang mga matitinong Hukom kumpara kay Leonen ang nanunungkulan sa Court of Appeals para hirangin. Ang totoo ay gusto ng Pangulong Aquino na marami siyang kakampi ang mailuklok sa Korte Suprema gaya ng istratehiya ni Pangulong Arroyo. Nakakawala ng respeto sa mga nasa katungkulan ang nagiging kalakaran. Bakit kailangang i-by-pass ang mga Hukom sa Court of Appeals ng isang taga-labas? Kung palakasan system lang pala ang iiral ay nakakawalang gana ito para sa isang matinong hukom. Ang magsilbi ng tapat sa bayan sa kabila ng panganib sa trabaho ay dapat sinusuklian ng promosyon. Kung wala naman palang pag-asang umangat sa kinauupuan ang mga Mahistrado dahil sa pulitika ay isang hadlang ito upang mas lalo nilang pag-igihan ang trabaho.

Unti-unti ay nagpapakita ng baluktot na daan ang Pangulong Aquino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s