Akbayan-Pinayagan ng Comelec na Lumahok sa Partylist

Pinayagan ng Comelec ang Akbayan na muling lumahok bilang partylist sa gaganaping halalan sa susunod na taon. Kabaliktaran naman ito sa naging kapalaran ng Ako Bicol, APEC, Ang Galing Pinoy at iba pang partylist group na na-diskwalipika.

Nakakatawa talaga ang pulitika sa bayang Pilipinas. Kung sino ang nakaupo ay tinutuligsa ngunit nang makaupo na ang mga kritiko ay mas higit pa ang ginagawa nito sa dati nilang pinipintasan. Noong huling halalan ay katakot-takot na batikos ang inabot ni Mikey Arroyo dahil sa pagiging nominado nito ng Party List na Ang Galing Pinoy. Totoo nga naman na si Mikey ay hindi isang Security Guard para kumatawan sa marginalized na grupong ito. Ei, ang problema sa ngayon ay ang Akbayan. Hindi bat ang mga kumakatawan sa sinasabing marginalized sector na ito ay hindi rin kabilang sa naturang marginalized sector? Si Etta Rosales ay nanunungkulan na sa Commission on Human Right samantalang si Risa Hontiveros- Baraquel ay kilala ring kaalyado ni Pangulong Aquino. Karamihan sa miyembro ng naturang partylist group ay nasa Malakanyang na rin. Karapat-dapat pa bang tawagin ang grupong ito bilang kumakatawan sa marginalized sector?

Balitang-balita rin ang pagbibigay ng mga kapatid ni Pangulong Aquino ng milyones para sa naturang partylist group. Samantalang andaming nagugutom ay bakit hindi na lang nila ibigay iyong napakalaking pera sa mga charitable institution.

Ang swerte naman ng Akbayan. Kumakatawan kuno sa mga marginalized sector pero ang totoo, kumakatawan pala sa Malakanyang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s