Ano ang kinalaman ng Samsung Galaxy sa Conditional Cash Transfer?

Ang Conditional Cash Transfer ay ang programa ng Department of Social and Welfare Development na kung saan ay tinutulungan nito ang mga “nalulunod” diumano sa kahirapan na pamilyang Pilipino. Sa maikling paliwanag ay binibigyan ng kaunting halaga ng DSWD ang bawat pamilya na kasali sa nabanggit na programa upang pansamantalang makatawid sa kahirapan. Napakaganda ng nasabing programa at hanga ako sa kasalukuyang kalihim ng nasabing kagawaran na si Sec. Dinky Soliman.

Ngunit katulad ng iba pang proyekto ng ating pamahalaan, tila hindi rin ligtas ang nasabing programa sa korapsyon. Napabalita kasi ang pagbili ng 30 unit ng Samsung Galaxy na nagkakahalaga ng P342,400 ng nasabing ahensya at diumano ay kasali ito sa pagpapatupad ng nasabing programa bilang operational fund! Paano naman nangyari yun? Sa ulat ng GMAnews ay ipinagtanggol pa mismo ng tagapagsalita ng pangulong Aquino na si Sec. Edwin Lacierda ang nasabing gawain. Wow! Kakainggit ang mga opisyales na iyon. Sana ay naisip nila na marami ang nagugutom na mga Pilipino at para saan nila gagamitin ang Smartphone bilang bahagi ng operational fund? Hindi bat halos lahat naman ng propesyonal sa Pilipinas ay may celfone na? Kung sa komunikasyon lang naman nila gagamitin ito ay bakit pa sila bibili kung ultimo mga katulong ngayon ay may celfone? Bakit hindi isang ordinaryong celfone na lang ang binili?

Nakakalungkot na habang ang karamihan sa mga Pilipino ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho ay pagwawaldas naman ang ginagawa ng ilan. Matuto naman sanang magtipid ang mga nasa gobyerno dahil hindi pinupulot ang pera. Disiplinahin sana ng pamahalaan ang ganitong mga gawain. Nasaan na ag tuwid na daan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s