Ang Pagkatalo ni Manny Pacquiao: Samut-saring opinyon

Ikinagulat ng karamihan sa mga Pilipino ang pagkatalo ng kanilang idolo na si Manny Pacquiao. Sa ikaanim na round ng kanilang ikaapat na paghaharap ni Juan Manuel Marquez ay pinabagsak ng huli si Pacquiao sa pamamagitan ng isang malakas na suntok. Ilang segundo ring tulog si Manny Pacquiao at pasalamat na lang at nakabangon ang ating bida at wala namang malaking pinsala sa kanyang katawan ang nagyari.

Sa pagkatalo ni Pacman ay ibat-ibang opinyon ang nagsisipaglabasan. Mismong ang nanay ni Manny Pacquiao ang nagsasabi na malaking kinalaman sa pagkatalo ng kanyang anak ay ang relihiyon nito. Si Manny Pacquiao kasi ay lumipat na sa pagiging “Christian” mula sa pagiging isang Katoliko. Tila ay isang pagsubok naman ang nangyari matapos na magkasunod na matalo ang “pambansang kamao” sa kamay ni Timothy Bradley at ang huli nga ay sa kamay ni Juan Manuel Marquez. May kinalaman nga ba ang relihiyon o pagpapalit ng pananampalataya sa pagkatalo ni Pacquiao? Sa aking opinyon ay wala. Kitang-kita naman kasi na natsambahan lang ni Marquez si Pacquiao. Wika nga ng iba ay isang “lucky punch” ang nangyari. Totoo po, swerte nga lang talaga si Marquez at malas naman si Pacquiao. Sino nga ba ang mag-aakala na sa halos isang segundo na lamang ay mapapabagsak pa ni Marquez si Pacquiao?

Wala ngang kinalaman ang bagong relihiyon ni Pacquiao sa kanyang pagkatalo pero tiyak ay may kinalaman ang kasikatan at pera ni Pacquiao kung bakit maraming nakapaligid sa kanya sa ngayon. Magmula sa mga pulitiko, mga artista at mga nasa relihiyon. Tandaan po natin na si Pacquiao ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Noong mahirap pa lamang ito ay halos walang pumapansin dito pero ngayon ay marami ang nakapaligid sa kanya. Bakit nga ba kailangang magpalit pa ng relihiyon si Pacquiao. Mismong nanay niya ay tutol dito? Marahil nga ay tama si Mommy Dionisia. Kung titingnan natin kung magsalita si “dating Aling Dionisia” ay parang wala ito sa topic pero kung iisipin mo ay malalim ang kanyang pag-iisip.

Naniniwala ako sa sinasabi ng ilang komentarista na wala na sa konsentrasyon sa boksing si Pacquiao. Marami na ang gumugulo sa isip nito mula sa pulitika, relihiyon, showbiz at negosyo.

Sa pagkatalo ni Pacquiao ay ibat-ibng negatibong reaksyon ang inaani nito. Pinakahuli nga ay ang panlalait ng sikat na Pop Singer na si Justin Bieber.

Maraming aral ang dapat na matutunan sa pagkatalo ni Pacquiao. Isa na rito ay ang kasabihang sa isport ay may nananalo at may natatalo. Dati ay si Pacquiao ang panalo pero ngayon ay siya naman ang talo. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s