Mga Walang Kwentang Pagtatanong sa mga Kandidato

Malapit na talaga ang eleksyon at bilang katunayan nito ay ang pangangampanya ng mga pulitiko. Isa pang senyales ay ang madalas na paglabas nito sa mga “Show” sa telebisyon.

Haay! Ang pulitika talaga sa Pilipinas ay walang pinagbago. Sa halip ay mas lumala pa yata at ang masaklap nito ay nahawaan na pati ang mg tao sa midya. Kapansin-pansin kasi ang mga paulit-ulit at scripted na tanong sa mga kandidato sa pagkasenador.

Narito ang mga ilan sa mga walang kwenta at paulit-ulit na tanong.

Host: Ano po ba ang stand nyo sa Political Dynasty?
Kandidato: (Alam na ng buong mundo ang isasagot ng isang kandidato. Syempre pa ay kasinungalingan)
Ang totoo 99.9% ng mga pulitiko at kandidato sa Pilipinas ay ayaw sa batas na ito.

Host: Ano po ba ang maitutulong ninyo sa mga OFW?
Kandidato: Gumawa diumano ng batas………etc.etc.etc.
Ang totoo: walang pakialam sa OFW ang mga pulitiko. Ang importante sa kanila ay ang maupo sa pwesto. Kung may naitutulong man sila kuno ay “pagpapapogi” lamang ito.

Host: Ano po ba ang agenda nyo para sa kalikasan.
Kandidato: Babantayan natin at ipaglalaban…..etc.etc.etc
Ang totoo: Wala ring pakialam ang mga kandidato sa ating kalikasan. Sa katunayan ay may mga sosyo pa ang ilan sa mga ito sa mining industry at logging company.

Itigil na sana ng mga tv network ang ganitong uri ng tanungan. Hindi pa man sumasagot ang mga pulitikong kandidato ay alam na ng bayan ang isasagot nito. Sino ba namang kandidato ang ilalaglag ang sarili? Mas mainam siguro na ilabas na lang ng midya ang baho at performance ng mga pulitiko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s