Pagkakaligtas ni Dondon Lanuza- Isang Magandang Balita; Isang Malaking Insulto sa Gobyerno Pilipinas

Isang magandang balita para sa pamilya ni Dondon Lanuza ang pagkakaligtas nito sa parusang kamatayan. Ayon sa ulat ay mismong ang Hari ng bansang Saudi Arabia ang sumagot ng halos aabot sa 25 milyong piso.

Si Rogelio “Dondon” Lanuza ay naharap sa malaking pagsubok matapos na mahatulan ng parusang kamatayan sa bansang Saudi Arabia matapos na makapatay dahil sa pagtatanggol sa sarili. Labing isang taon din siyang nakakulong at humihingi ng tulong sa ating pamahalaan. Ginamit niya ang Facebook upang manawagan ng tulong at humingi ng panalangin. Pumayag ang kapamilya ng kanyang biktima na tanggapin ang kapatawaran at blood money ngunit hindi sapat ang pundong nalikom upang ipambayad. Ayon sa ulat ay lampas pitong milyong piso lang halos umabot ang halagang iyon.

Maraming tao ang pinasalamatan ni Dondon sa kanyang nakatakdang paglaya at pagbabalik sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang US based businesswoman at philantropist na si Mrs. Loida Nicolas Lewis. Kabilang din sa pasasalamat ni Dondon ang mga opisyales ng pamahalaan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Bagamat isang napakagandang balita ng pagkakaligtas at paglaya ni Dondon ay tila isa namang malaking sampal at insulto sa pamahalaan ng Pilipinas ang balitang ito. Isipin mo ay mismong gobyerno pa ng Saudi ang sumagot sa Blood Money. Kung tutuusin ay napakaliit na halaga ang 20 milyong piso kumpara sa bitbit ng mga Euro generals, mga kinurakot at kinukurakot ng mga pulitiko, at iba-iba pang scam sa pamahalaan.

Marami pang OFW ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Saudi Arabia. Dapat silang tulungan ng pamahalaan. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s