Pagpapakamatay ng UP Student na si Kristel Tejada

Nakakalungkot ang pagpapakamatay ng isang estudyante ng UP Manila. Ayon sa ulat, nagawang magpatiwakal ng First Year UP student na si Kristel Tejada matapos na sapilitang i-drop out o i-force leave ng UP Manila ang nasabing estudyante na kumukuha ng kursong Behavioral Science dahil sa walang ma-ipambayad na tuition fee.

Sa paningin ng ilan ay masasabing simpleng problema lang ang dinanas ng nasabing estudyante para wakasan ang sariling buhay. Maari nga pong payak ang ganoong suliranin pero hindi po lahat ng tao ay pare-parehas ang lakas ng loob para harapin ang hamon ng buhay. May mga nagpapakamatay din dahil lang sa iba pang simpleng suliranin sa ating pananaw pero para sa mga nagpapakamatay, ito’y isang napakabigat na problema. 

Ang totoong isyu rito ay hindi ang pagpapakamatay kundi “BAKIT KAILANGANG i-drop out ang isang estudyante kapag hindi nakapagbayad ng TUITION FEE lalo na sa pampublikong unibersidad? Ito ay hindi isang magandang patakaran lalo na ng isang institusyong ang layunin ay magbigay ng kalidad na edukasyon at hindi magnegosyo.

Hindi ba’t ang UP ay naitatag para sa “poor at deserving students”? Bakit kailangang ipatupad ang “NO LATE PAYMENT POLICY”? Lumalabas pala na ang nasabing paaralan ay para na lang talaga sa mayayaman.

Narito pa ang isang magandang artikulo mula sa Inquirer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s