Mga Pinoy-OFW, Mukhang Pera nga Ba?

Kamakailan ay napabalita ang isang artikulo sa internet na isinulat ng isang dayuhan na kung saan ay tumatalakay sa mga Pinoy-OFW. Diumano, ang mga Pinoy-OFW ay mga MUKHANG PERA. Ipinapagpalit daw ng mga ito ang buhay at karangalan kumita lang ng malaking SALAPI. Tulad ng inaasahan ay umani ng batikos ang nasabing artikulo ng mga puna at nagalit pa nga ang iba.

Sa perspektibo ng manunulat ay tama rin naman siya. Bakit nga naman kasi karamihan sa mga Pilipino ay nakukuhang mangibang-bansa para kumita ng malaking pera gayung may mga trabaho naman dito sa Pilipinas? Marahil ay ito ang nasa isip ng manunulat. Hindi biro ang hirap ng pangingibang-bayan pero nagagawa ng mga Pilipinong magsakripisyo alang-alang sa mga mahal sa buhay. Suriin nating mabuti ang mga dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay nangingibang bansa.
1. May trabaho nga ang karamihan sa kanila dito sa Pilipinas pero yaon ay hindi sapat para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, kuryente, pamasahe, bayarin sa ospital, tuition o gastusin sa pagpapaaral ngunit ang kanilang kita ay nananatiling mababa at hindi na makaagapay sa araw-araw na pangangailangan. Kapansin-pansin na maging ang mga guro, at kawani ng gobyerno ay naliliitan sa kanilang sahod. Ano pa kaya ang pakiramdam ng mga pribadong manggagawa na di hamak na mas maliit ang kanilang kinikita.
2. Pahirap ng pahirap ang trabaho sa Pilipinas dahil sa mga sakim na negosyante. Kung inyong mapapansin ay halos ipagawa sa isang tao ang dating ginagawa ng dalawa o tatlong tao. Halimbawa na lamang nito ay ang trabaho ng mga guwardya. Minsan ay hindi lang talaga sila taga bantay kundi receptionist o janitor na rin. Sa mga electronic company naman ay hindi lang iisang makina ang pinapatakbo ng mga manggagawa kundi maramihan na dati ay ginagawa ng higit isang tao.
3. Mas malaki ang sahod ng mga professional sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Nakakapagtaka lang na mas malaki ang sahod ng mga manggagawa sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. Halimbawa na lang nito ay ang mga inhenyero. Halos limang beses ang laki ng sahod ng inhenyero sa mga karatig bansa ng Pilipinas kumpara dito sa atin. Kung tutuusin ay kaya naman ng mga kumpanya dito sa Pilipinas na ibigay ang ganung kalaking sahod ngunit hindi ito ibinibigay ng mga kumpanya. Ito ay dahil sa masyadong SAKIM sa tubo ang mga kumpanya.

Mukhang pera nga ba ang mga OFW kung bakit sila nangingibang bansa? Hindi po. Biktima lang sila ng malalaking tao sa Pilipinas na kung saan ay hindi maibigay sa kanila ang nararapat na sahod at benepisyo para sa kanila. Ang mga malalaking tao ay nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan at maging sa mga pribadong kumpanya. Karamihan sa kanila ay nagtapos sa mga sikat na mga unibersidad.

1 thought on “Mga Pinoy-OFW, Mukhang Pera nga Ba?”

  1. ano ba pag kakaiba ng VIP sa naka Table lang?… xe pde mo naman syang hipoan ung babae e… sa VIP ano naman pagkakaiba nun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s