Ang Korapsyon sa Pilipinas

Balitang-balita sa ngayon ang pagkakakulong ng tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada dahil sa kasong inirereklamo laban sa kanila na Plunder o Pandarambong. Ayon sa ulat ng midya, ang tatlong senador diumano ay nakipagsabwatan sa tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles upang magkamal ng limpak-limpak na salapi.

Eh ano nga ba ang bago sa balitang ito?

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit panay sa kalabang partido ang mga naaakusahan? Ang ibig sabihin ba nito ay “Demonyo” ang mga nasa oposisyon at “Santo o Anghel” ang kakampi ng Pangulong Aquino? Lumalabas tuloy na tila ay pulitika ang pangunahing dahilan.

Ang Korapsyon o Pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon.

Ang korapsyon sa Pilipinas ay isang malubhang suliranin na nangangailangan ng epektibong solusyon. Ilang nagdaang administrasyon na nga ba ang nangakong wawakasan ang suliraning ito? Sa bandang huli pala ay kabilang din sila sa mga kurakot.

Masigasig ang kampanya laban sa katiwalian at korapsyon ng kasalukuyang administrasyon ni Pnoy. Ito ang kanyang pangunahing plataporma. Ang “Tuwid na Daan” ang nagluklok sa kanya sa pwesto. Pero ang nakakalungkot lang ay tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon.

Kapag kaaway sa pulitika ay agad na nakukulong, ngunit kapag kaalyado naman ay tila tamad ang pamahalaan sa paghahanap, pag-iimbestiga at pangangalap ng ebidensya.

Hindi bat ganito rin ang nangyari sa nagdaang administrasyon ni Gloria?

Kung ganito ang sistema sa paglaban sa korapsyon- kampihan at may kinikilingan- mas mabuti pa sigurong………..kayo na po ang tumapos sa linyang ito.

1 thought on “Ang Korapsyon sa Pilipinas”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s