Buwan ng Nutrisyon at Kahirapan sa Pilipinas

Ang Buwan ng Hulyo ay tinaguriang Nutrition Month sa Pilipinas. Sa mga paaralan sa buong bansa, karaniwan na ang pagkakaroon ng mga palatuntunan o ibat-ibang programang nauugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Taun-taon ay naiiba ang tema sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Ngunit iisa lang ang mensahe, ito ay ang wastong pagkain, pangangalaga sa kalusugan at wastong paggamit ng mga pangunahing pangangailangan.

Ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa. Ayon sa mga survey, milyon-milyon pa rin ang dumaranas ng kagutuman. Ito ay sa kadahilanang walang trabaho, sa makatuwid ay walang makain.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay para lamang sa mga taong may kinakain pa. Pero sa mga milyong Pilipino na walang trabaho at nagugutom, mas nararapat sigurong tawaging Buwan ng Kagutuman at Kahirapan sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s