P15M para sa Bawat Mahihirap na Bayan sa 2015

Malayo pa ang eleksyon pero nangangamoy pulitika na. Ayon sa ulat ng GMA News, tatanggap diumano ang bawat mahihirap na bayan sa buong bansa ng halagang P15M sa taong 2015 o isang taon bago ang National Election.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng DILG na pinamumunuan ni Mar Roxas na sinasabing manok diumano ng Liberal Party para sa pagka-presidente.

Inanunsyo ang nasabing programa nang magsalita si Mar Roxas sa harap ng mahigit 500 Mayor ng buong Pilipinas dahil sa kanilang taunang “convention of the League of Municipalities of the
Philippines (LMP)” na ginanap sa Cebu City.

Ayon sa balita, bahala na daw ang bawat Mayor magdesisyon kung saan gugulin ang badyet bastat ito ay naaayon sa pangangailangan ng mamamayan nito.

Napakagandang proyekto hindi po ba?

Tuwing magkakaroon ng eleksyon ay lumalabas ang ganitong magagandang proyekto ng pamahalaan. Pilitin mang ihayag ni Mar Roxas na wala itong bahid ng Pulitika ay hindi maiwawaglit sa isipan ng tao ang isiping maagang pangangampanya ang kanilang ginagawa.

Bakit sa taong 2015 pa kung kailan mag-eeleksyon na? Bakit hindi noong nakaraang mga taon? Bakit hindi pa ngayong taon?

Desperado na nga siguro ang kampo ng administrasyon ni Pinoy. Patuloy ang pagbaba ng national approval rating nito at malamang ay mahila nito pababa ang popularidad ng tatakbong kapartido nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s