Panukalang House Bill 4583; Witness Protection Program isasalin sa mga Korte

Isang panukalang batas sa ngayon ang isinumite ni Deputy Speaker Sergio Apostol. Ang nasabing panukala ay ang House Bill
No. 4583, na naglalayong ilipat sa mga korte ng bansa ang pamamahala sa Witness Protection Program na kasalukuyang nasa poder ng Department of Justice.

Ayon sa nasabing mambabatas ay masyadong nababahiran ng pulitika ang kasalukuyang sistema.

Diumano, ang anumang aplikasyon sa nasabing programa na maaring makasama sa gobyerno o kaalyado ng pangulo ay kaagad na marereject. Tumpak! Dahil nasa poder ng DOJ ang WPP, at kakampi ng pangulo ang DOJ Secretary, paano na lamang kung ang pangulo at mga kaalyado nito ang nasasangkot sa isang kaso? Paano maglalakas loob ang isang tao na tumestigo laban sa mga taong nasa poder na sangkot sa krimen kung ang WPP ay hindi independent institution?

Paliwanag ng mga kontra sa nasabing panukala, ay mababawasan diumano ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pag-usig sa may kasalanan dahil kailangan daw nila ng testigo para makakuha ng impormasyon. Bukod pa rito ay limitado rin daw ang kakayahan ng korte upang mapangalagaan ang mga testigo.

Epektibo ba ang kasalukuyang Witness Protection Program sa kamay ng DOJ? Pwedeng, Oo at Hindi, depende sa kung sino ang naakusahan. Epektibo ito kapag kaaway ng pamahalaan ang may sala. Inutil naman kapag kakampi o kasabwat ng nasa poder ang sangkot.

Paglilipat ng WPP sa mga korte, bakit hindi natin subukan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s